Inihayag ni House Quad Committee Chairperson Robert Ace Barbers na muling aarangkada ang hearing ng committee sa susunod na linggo.
Sa panayam kay Barbers sinabi nito, na kasabay ng ilan pang malalaking committee gaya ng Quinta Committee at ang nabuong Tri-committee.
Sa Pebrero 8 ang nakatakdang adjournment ng Kongreso, hudyat na rin ng pagsisimula ng pangangampaya sa national level para sa midterm elections.
Aminado naman si Santa Rosa Representative Dan Fernandez, na marami pang pending na dapat talakayin ang komite pero dahil sa kakulangan ng oras ay magiging “selective” sila sa susunod na mga pagdinig. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes