Malaki ang pasasalamat ni Speaker Martin Romualdez kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng isinagawang ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) projects sa Leyte.

Aniya ipinapakita nito ang commitment ng pamahalaan na tulungan ang mga komonidad na pinadapa ng bagyong Yolanda na makabangon muli.
Dagdag pa niya na ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng pabahay kundi simbolo ng pagbangon ng ating mga kababayan.
“Ang mga bahay na ito ay kumakatawan sabagong pag-asa at bagong simula para sa ating mga kababayan na nasalanta ng Yolanda…Ito ay patunay ng malasakit at pagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Pangulong Marcos Jr.” sabi ni Romualdez
Kabuuang 3,517 na housing units ang ipinagkaloob sa mga pamilyang biktima ng bagyo lalo na sa mga lugar na idineklarang no-build zone.
Matatagpuan ang mga pabahay sa:
- Cool Spring Residences (Burauen Housing Project) in Burauen, Leyte
- Riverside Community Residences (Tabontabon Housing Project) in Tabontabon, Leyte
- Mont Village Subdivision in Tanauan, Leyte
- Coconut Grove Village in Julita, Leyte
- Marabut Village Sites 1 and 2 in Marabut, Samar
- Pastrana Ville in Pastrana, Leyte
- Dagami Town Ville in Dagami, Leyte
- Culaba Housing Project in Culaba, Biliran
Kinilala din ni Romualdez na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa nakamit na tagumpay ng programa.
Lalong mahalaga aniya ito sa mga naapektuhang pamilya dahil ibinabalik nito ang kanilang dignidad at ibinibigay sa kanila ang pagkakataon ng mas magandang hinaharap.
Kabuuang 175, 728 mula sa target 189,800 na pabahay na ang naipagkaloob ng pamahalaan hanggang December 2024, kasama na dito ang mga pabahay na ibinigay mgayomg araw.
Ang nalalabi maman na 14,072 units ay inaasahang matatapos sa December 2025. | ulat ni Kathleen Forbes