Humanitarian assistance na naipaabot sa mga apektado ng sitwasyon sa Mt. Kanlaon, higit P84-M na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad sa Western at Central Visayas na apektado ng mataas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa DSWD, aabot na sa higit P84 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa 27 apektadong barangays kabilang ang family food packs para sa higit 3,000 pang pamilya na nananatili sa evcuation centers.

Una nang sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na patuloy ang augmentation support ng ahensya para sa mga apektado ng aktibidad ng Mt. Kanlaon.

Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, umabot na rin 150,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang nakapreposisyon sa Negros Island na madaling ma-access ng LGUs sa oras na umakyat pa sa Alert level 4 ang bulkan.

Tiniyak din ni Asec. Dumlao, na patuloy na nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan, upang matiyak ang kahandaan sa ano mang posibleng mangyari kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us