Iba’t ibang AFP units, nagtutulungan para mahanap ang panibagong underwater drone na namataan sa Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Naval Forces Central sa iba pang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito’y para sa mabilis na pagkakatunton sa panibagong underwater drone/glider na namataan sa karagatang sakop ng Bohol.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief, Col. Xerxes Trinidad, isinasaprayoridad na ng AFP Visayas Command ang paghahanap sa naturang underwater drone.

Mahalaga kasi aniyang maisailalim ito sa forensic investigation upang malaman kung ano-anong mga datos ang nakalap nito at kung para saan ito ginagamit.

Kasunod nito, muling nanawagan ang AFP sa mga Pilipino na huwag mag-atubiling iulat sa kanila sakaling makakita ng ganoong uri ng mga kagamitan sa karagatan.

Hinimok pa nito ang sinumang makakakita sa mga kahalintulad na bagay na i-post agad sa social media kalakip ang mahahalagang detalye para sa mabilis na pagtunton dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us