Sigurado si Senador Sherwin Gatchalian na walang blangkong items sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Ayon kay Gatchalian, wala siyang nakitang blangko sa pinirmahan nilang pinal na bersyon ng 2025 national budget bill na nagmula sa Bicam.
Binigyang diin rin ng senador na hindi magbabalanse ang budget kung may mga item dito na iiwang blangko.
Naniniwala rin aniya si Gatchalian na hindi pipirma ang chairperson ng Senate Committee on Finance na si Senadora Grace Poe kung may mga blangkong item.
Maging si Senador Joel Villanueva ay nagsabing full bicameral conference committee report ng 2025 national budget bill ang kanyang pinirmahan.
Pero kung mayroon man aniyang nakita, maaaring mga lumpsum items itong namataan kaya naman panawagan ni Villanueva, i-breakdown ang mga lumpsum items sa budget. | ulat ni Nimfa Asuncion