Maaring makapagtala na ang bansa ng kauna-unahanag oil price rollback sa susunod na linggo.
Ayon kasi sa inilabas na abiso ng Department of Energy (DOE) na base sa huling apat na araw ng trading, dapat na umanong asahan ang rollback sa lahat ng produktong petrolyo.
Ang gasolina ay posibleng matapyasan ng P0.70 to P1.00 kada litro habang ang diesel naman ay nasa P0.20 to P0.55 ang posibleng bawas presyo sa kada litro.
Nasa P0.40 to P0.50 naman ang inaasahang ibaba ng presyo ng produktong kerosene sa kada litro nito.
Paliwanag ng DOE, ang kanilang estimate ay base sa muling pagbubukas ng refineries at ports sa US Gulf Coast nitong nagdaang linggo matapos ang winter storm.
Naapektuhan din ang pandaigdigang merkado sa mga hakbang ni US President Donald Trump partikular sa aspeto ng proposed tariffs. | ulat ni Lorenz Tanjoco