Aminado ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malaki ang epekto ng La Niña at iba’t ibang umiiral na weather system sa suplay at presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay Ana Solis, chief Climate Monitoring ng PAGASA, nagkaroon ng paggalaw sa basic commodities nitong Enero dahil sa mga umiiral na Northeast Monsoon, Easterlies, at Shear Line.
Tuwing nakararanas ng pag-ulan ay apektado rin maging ang purchasing power ng mamamayan.
Paliwanag pa ni Solis, bahagi ang PAGASA ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook kung saan ginagamit din ang kanilang datos ng Department of Agriculture (DA).
Regular din daw ang kanilang mga pagpupulong upang magbigay ng weather outlook sa DA. | ulat ni Merry Ann Bastasa