LTO, nakahuli ng 262 trucks na gumagamit ng worn-out tires, overloading at iba pang paglabag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mula Disyembre noong nakalipas na taon, kabuuang 262 truck ang nahuli dahil sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, kabilang sa mga nahuli ang mga truck na gumagamit ng sira-sira o pudpod na gulong, over loading at iba pang paglabag sa road safety.

Pinalakas ng LTO ang kampanya sa panghuhuli matapos ang malalang aksidente sa Katipunan Flyover noon.

Sinalpok ng isang truck ang ilang sasakyan at nag-iwan ng apat na kataong nasawi at 24 pang sugatan.

Nauna nang pinaigting ng LTO ang visibility ng mga enforcer sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, partikular ang regular na ruta ng mga delivery truck.

Kasama sa pinaigting ang pagde-deploy ng mga LTO enforcer sa pagitan ng gabi at madaling araw, kung kailan karaniwang inaalis ang truck ban lalo na sa urban areas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us