Inanunsyo na ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) ang pamamahagi ng agricultural lands sa mga agrarian reform beneficiary sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ulat ng Department of Agrarian Reform, aabot sa 113,917.89 ektarya ng lupain ang ipapamahagi sa 67,777 benepisyaryo.
Ang mga ipagkakaloob na lupain ayon kay MAFAR-BARMM Minister Mohammad Yacob ay mula sa Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City at iba ay sa special geographic areas.
Bukod sa pamamahagi ng mga lupa, maghahatid din ng iba’t ibang support services ang MAFAR sa tulong ng DAR upang suportahan ang mga ARB na mapahusay ang kanilang kabuhayan.
Ang mga pangakong ito ay inanunsyo sa ginanap na Joint DAR-MAFAR Coordinating Committee Meeting na naglalayong matiyak ang epektibong pagpapatupad ng repormang agraryo sa BARMM. | ulat ni Rey Ferrer