Magna Carta for Tricycle Drivers and Operators, pinagtibay sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 11227 o Magna Carta for Tricycle Drivers and Operators.

Inilalatag dito ang mga karapatan at benepisyo ng tricycle drivers at operators gaya na lang ng mandatory SSS at PhilHealth membership.

Inaatasan din ang mga ahensya ng pamahalaan na isama sa kanilang mga plano at programa ang karapatan at hinaing ng tricycle sector.

Pinasimple na rin ang proseso ng pagpaparehistro at paglalabas ng Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) na may limang taong validity.

Kung may paglabag ang tricycle, ay bibigyan sila ng ticket at maaari lang i-impound ang unit kung sangkot ito sa krimen, namasada ng wala o paso na ang MTOP, walang lisensya ang driver, at hindi na ‘road worthy’ ang unit salig sa Philippine Clean Air Act of 1999.

Ipagbabawal naman ang tricycles sa mga national highways na gamit ng mga four-wheeled vehicles na mas mabigat sa apat na tonelada at kung saan ang normal na bilis ay mas mataas sa 40 kilometers per hour.

Maaari naman magkaroon ng exception kung walang ibang transportasyon sa naturang ruta. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us