Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang bahagi ng Jose Abad Santod sa Davao Occidental kaninang pasado alas-4 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro timog-kanluran ng naturang bayan.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 62 kilometro sa lupa.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa