Kumpiyansa ang pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na maganda ang tatahaking landas ng e-games sector sa bansa sa mga susunod na taon.
Ayon kay PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro Tengco, ito ay bunsod ng patuloy na pagdami ng game service providers gayundin ang mga lisensyadong e-games operators.
Sa tala ng PAGCOR, tumaas ng mahigit 13% ang mga nagpalisensyang e-games operators kung saan mula sa dating 1,046 ay kasalukuyang nasa 1,188 na.
Tumaas din ang bilang aniya ng accredited gaming service providers mula sa dating 49 noong 2023 na naging 174 nitong 2024.
Isa sa itinuturong dahilan ng PAGCOR sa naturang paglago ay ang pagtapyas ng fee rates sa gaming service providers at e-games operators kung saan nae-engganyo nito ang mga walang lisensyang palaruan na maging legal at magparehistro sa PAGCOR. | ulat ni Lorenz Tanjoco