Mataas na presyo ng baboy sa merkado, tinututukan na ni DA Sec. Tiu-Laurel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaalam na ng Department of Agriculture ang dahilan ng nananatiling mataas na presyo ng baboy sa merkado kahit na mababa naman ang farmgate price nito.

Ayon kay Agriculture Chief Francisco Tiu Laurel Jr., aabot lamang sa ₱220-₱240 ang farmgate price ng baboy pero sa mga palengke ay umaabot ito hanggang ₱400 kada kilo.

Sa ngayon, nirerebyu na aniya nila sa DA ang value chain sa baboy na gaya ng ginawa sa bigas para makapaglatag ng hakbang na tutugon sa isyu.

Sisilipin din kung mayroon bang pananamantala o profiteering sa bentahan ng baboy.

Ayon sa kanya, kakailanganin nila ng dalawa hanggang tatlong linggo upang masusing pag-aralan ang isyu.

Batay sa monitoring ng Bantay Presyo, umabot sa ₱270-₱350 ang presyo ng frozen na baboy sa mga palengke habang ₱340-₱400 naman ang presyo ng fresh na pork belly at ham. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us