Mga hindi pa bayad na claims sa PhilHealth, inaasahang mababayaran na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na makakaasa na ng bayad mula sa kanila ang mga ospital at iba pang health institutions na may pending claims pa.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Health, sinabi ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. na nabigyan na kasi sila ng go signal ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na bayaran ang mga claims na na-deny.

Karamihan sa mga ito ay dahil sa late submission ng mga dokumento, na itinatakda sa loob ng 60-days matapos mag-avail ng medical services ang pasyente.

Una nang sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na may apat hanggang anim na bilyong piso na utang sa kanila ang PhilHealth para sa mga serbisyong naibigay mula 2020 hanggang 2024.

Sa datos naman ng PhilHealth, nasa kabuuang ₱10 billion ang sinisingil pa ng mga pribadong ospital at ng mga government hospitals.

Kailangan lang aniyang magsumite ng apela o Motion for Reconsideration ng mga una nang na-deny na claims application saka ito ipoprosesong muli.

Kung makitang nararapat ay babayaran ito sa loob ng 60 araw. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us