Pinaiimbestigahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang nasita nitong mga hinihinalang smuggled na gulay sa Cartemar Market sa Lungsod ng Pasay.
Matatandaang sa isinagawang sanib pwersang inspeksyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Industry (DTI) sa naturang palengke ay napansin ng kalihim ang kahina-hinalang label sa packaging ng ilang mga gulay, na may nakasulat na Chinese character.
Paliwanag ni Laurel, na wala siyang natatandaan na nagbibigay ng sanitary at phytosanitary import clearance mula sa Bureau of Plant Industry sa nakita ntiong klase ng gulay.
Kakaiba din aniya ang sukat ng gulay, na ngayon lang daw nakita ng opisyal.
Kabilang sa mga pinagdududahang smuggled na gulay ay ang onions stick, Chinese ube, at uri ng sili at broccoli.
Bagamat hindi kinumpiska ang mga gulay ay pinaiimbestighan na nga ng kalihim ang naturang mga gulay, para malaman kung saan nagmula ang mga ito at kung ligtas nga ba ito para sa public consumption. | ulat ni Lorenz Tanjoco