Tinawag ni Senate Committee on Women, Children and Family Relations chairperson Senadora Risa Hontiveros na kasinungalingan, misinformation at disinformation ang ipinapakalat ng grupong “Project Dalisay” laban sa isinusulong na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill o ang Senate Bill 1979.
Ayon kay Hontiveros, sa gitna ng tumataas na bilang ng adolescent pregnancy, kailangan nang agad na solusyunan at magkaroon ng batas para maprotektahan at masuportahan ang mga kabataan
Pinunto ng senadora na matagal nang idineklara ng National Economic Dvelopment Auhtority (NEDA) na isang national at social emergency ang teenage pregnancy.
Paglilinaw mambabatas, walang probisyon ang panukala kaugnay sa pagtuturo o panghihikayat ng masturbation sa mga batang zero hanggang four years old at wala ring pagtuturo ng bodily pleasure o sexual rights sa mga batang anim hanggang siyam na taong gulang.
Binigyang-diin rin nitong ang kontrobersyal na Comprehensive Sexual Education ay hindi base sa Standars for Sexuality Education sa Europe, kundi sa responsible parenthood at reproductive health law.
Nakakagulat at nakakagalit aniya ang mga kasinungalingan na kumakalat sa social media laban sa panukalang batas na ito dahil nagreresulta ito sa pagkalito at takot sa panukalang batas na layong pagbutihin at protektahan ang kapakanan ng mga bata. | ulat ni Nimfa Asuncion