Sinimulan na kagabi ng Department of Public Works and Highways ang road reblocking at road repairs, sa ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apektado ng pagsasaayos ang 4th lane mula sa gitna ng Edsa Southbound West Avenue hanggang MRT North Avenue Station.
Gayundin ang ikaapat na lane mula sa gitna ng EDSA Southbound ng Bansalangin Street hanggang West Avenue.
Magiging ganap na passable ang nasabing mga kalsada pagsapit ng alas-5:00 ng umaga ng Lunes, Enero 20.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternate routes sa lugar na itinalaga ng MMDA. | ulat ni Rey Ferrer