Tinatayang nasa 400 na mga sasakyang pandagat ang sumali sa isinagawang fluvial procession sa Mactan Channel sa Cebu kaninang umaga kaugnay ng 460th Fiesta Señor.
Ayon kay Coast Guard District Central Cebu Commander,Capt. Jerome Lozada na maliban sa mga nakarehistrong sasakyang pandagat sa kanilang tanggapan, may mga namonitor rin silang unregistered vessels na sumali sa prusisyon.
Hindi rin naiwasan ng ilang mga sasakyang pandagat na bumuntot sa galleon na sinasakyan ng imahe ng Santo Niño, Our Lady of Guadalupe at Saint Joseph ngunit ayon kay Lozada ay agad namang na kontrol ito ng mga nakabantay na security personnel mula sa PCG, Philippine Navy, at Maritime Police.
Sa kabila nito, ayon kay Capt. Lozada na nakadaong naman sa tamang oras sa Pier 1 sa Cebu City ang Galleon na sinasakyan ng mga imahe.
Sa kabuuan, naging maayos at mapayapa ang pagsasagawa ng fluvial procession ngayong taon. | ulat ni Angelie Valiente | RP1 Cebu