Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tapusin na ang Yolanda Permanent Housing Program sa Region 8, ngayong 2025.
Ipinahayag ito ni Housing Secretary Rizalino Acuzar sa ceremonial turnover ng nakumpletong mga pabahay sa Leyte, Samar, at Biliran.
“Utos ng Pangulo: Tapusin ng NHA ang lahat ng Yolanda-housing projects dito sa Region 8 at sigurado lahat ngayong taon ay tatapusin ang problema sa Yolanda housing,” ayon kay Acuzar.
Ayon sa kalihim, patunay ito ng hangarin ng administrasyon na tulungang makabangon ang mga biktima ng Yolanda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disente at matibay na bahay sa ligtas na komunidad.
“Naniniwala kami na ang okasyong ito ay magsisilbing panibagong pag-asa at inspirasyon para lalong magpursige sa buhay. Sa pamamagitan ng ligtas at disenteng bahay, matatag at maunlad komunidad.” —Acuzar
Sa kasalukuyan, nasa 88 mula sa 118 Yolanda housing projects ang nakumpleto na sa Eastern Visayas.
Binubuo ito ng higit 58,000 units kung saan 45,000 ang inookupa na ng mga benepisyaryo. | ulat ni Racquel Bayan