Kailangan ng National Food Authority ng dagdag na pondo upang mapataas ang reserbang bigas alinsunod sa nakasaad sa inamyendahang Rice Tarriffication Law (RTL).
Paliwanag ni NFA Administrator Larry Lacson, kailangang tatagal ang reserba ng bigas ng 15 araw para sa pambansang pangangailangan.
Mas mataas ito mula sa dating siyam na araw alinsunod sa bagong probisyong nakapaloob sa Republic Act 12078.
Mula sa pambansang konsumo na nasa average na 37,000 metric tons, mangangailangan ng tinatayang 300,000 metric tons ng palay ang dagdag anim na araw na reserba.
Batay sa Republic Act 12078, naglaan ng P2 billion mula sa taripa para sa pagbili ng palay, bukod ito sa P30 billion na inilaan para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund. | ulat ni Rey Ferrer