OCD, mas paiigtingin ang koordinasyon sa mga komunidad na nasa paligid ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) na paigtingin ang koordinasyon sa mga komunidad na nasa paligid ng Bulkang Kanlaon.

Sa isang pahayag, sinabi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, na kailangan ng 24-oras na epektibong komunikasyon sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.

Nagpulong ang OCD kasama sina Canlaon City Mayor Jose Cardenas at Governor Eugenio Jose Lacson, upang talakayin ang mga hakbang para mapanatiling ligtas ang mga residente at ang mga maaaring banta nito sa komunidad na nasa paligid ng bulkan.

Ayon kay Usec. Nepomuceno, nariyan pa rin ang banta dahil nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa bulkan kaya hinihikayat nito ang mga residente na manatiling handa sa ano mang sitwasyon.

Sa ngayon, siyam na lugar sa Negros Occidental ang apektado kabilang ang La Castellana, La Carlota, Bago, Murcia, San Enrique, Hinigaran, Valladolid, Puludpandan at Moises Padilla. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us