Opinyon ni CPLC Enrile sa impeachment laban kay VP Sara, iginagalang ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginagalang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opinyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kaugnay sa naging pahayag nito na hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng Konstitusyon kung isasantabi ang rule of law, at makikinig sa panawagan ng Iglesia ni Cristo, laban sa isinusulong na impeachement complaint kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang ambush interview sa Leyte, sinabi ng Pangulo na si Enrile ay isa sa mga pinakamatatalino sa bansa, lalo na sa usaping ligal.

Tama rin aniya ang obserbasyon ng kalihim na mandato ng Kamara at Senado na dinggin ang mga reklamong impeachment laban kay VP Sara.

Gayunpaman, pagbibigay diin ng Pangulo, hindi ngayon ang tamang panahon para gawin ito.

“JPE is one of our best legal thinkers in our country. He is right. There will be a consequence. There will be a precedence, very problematic. But I still think even if Congress is mandated, the House and Senate, don’t have a choice once this impeachment complaints are filed, but I dont think now is the time to do that,” paliwanag ng Pangulong Marcos.

Papasok na rin kasi aniya ang campaign period para sa 2025 Midterm Elections.

Ibig sabihin, aniya, na abala na ang mga mambabatas na tututok, upang tugunan ang mga reklamong impeachment dahil sigurado aniyang mangangampanya na ang mga ito.

“And tutal as a practical matter, papasok na tayo sa campaign period, wala nang cong, wala ng senador, mangangampanya na sila, di na makakabuo ng quorum,” dagdag pa ng Pangulo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us