Pagbuo ng mga kooperatiba para sa mga magsasaka, palalawigin ng Marcos Administration ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng National Irrigation Administration (NIA) na nasa 200 kooperatiba para sa mga magsasaka ang kanilang nabuo nitong 2024.

Ayon kay NIA Admnistrator Eduardo Guillen, alinsunod lamang ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  tulungan at ibigay ang lahat ng suporta sa mga Pilipinong magsasaka, at palakasin pa ang hanay ng mga ito.

“Well, alam ninyo, ang isang maipagmamalaki natin diyan, iyong empowering noong ating mga farmers. Kasi ang bilin ng atin Presidente sa atin is that, you know, ultimately kailangang maiangat sila sa kahirapan. Eh alam naman po natin sa data ng PSA, iyong mga nasa agricultural sectors – 60% nandiyan eh ano po.” -Guillen  

Sa pamamagitan kasi ng mga kooperatiba, mas bibilis ang pagbababa ng tulong ng National Government para sa mga magsasaka.

Bukod dito, nitong 2024 rin, isa sa mga ipinagmamalaki ng NIA ay nagawa nilang maiakyat sa 70,000 hectares per year ang irrigated lands sa buong bansa.

Nariyan aniya ang mga nabuksan at naging operational na dams na nakatulong sa pagtupad ng mandato ng tanggapan.

Halimbawa ang Malmar, Sulvec, at Jalaur Dam.

Ngayong 2025, pagsusumikapan ng pamahalaan na hindi lamang basta maipagpatuloy ang mga improvement na ito, bagkus ay mahigitan pa.

“Sana ma-sustain natin ito at nagpapasalamat naman tayo sa tulong ng ating Pangulo dahil nakita ko talaga iyong sincerity niya na tulungan talaga ang agrikultura through, you know, itong construction ng mga dams  natin.” -Guillen ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us