Pagkakaaresto ng Chinese spy at pagkakadiskubre ng underwater drones, posibleng magkaugnay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na may kaugnayan ang pagkakaaresto sa umano’y Chinese spy, ang pagkakadiskubre ng ilang underwater drones, at ang pekeng identification cards na nakuha mula sa ilang dayuhang indibidwal.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, maaaring may banyaga sa bansa na nagma-mapa sa Pilipinas.

Ito aniya ang mahigpit na binabantayan ngayon ng AFP.

Samantala, sinabi naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, na iniimbestigahan din nila kung may kaugnayan ito sa pagpapasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Matatandaang dalawang Chinese spy na ang naaresto ng mga awtoridad, isa noong nakaraang taon at isa nito lamang isang araw na kapwa sangkot sa surveillance activities sa Pilipinas.

Bukod dito, lima pang submersible drones ang narekober sa katubigan ng bansa kasabay ng pagkalat ng mga pekeng ID at birth certificates ng ilang dayuhang mamamayan.

Bagama’t hindi direktang itinuro ni RAdm. Trinidad ang China bilang nasa likod ng mga aktibidad na ito, sinabi niyang ayaw niyang magbigay ng espekulasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us