Nagpasalamat si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Commission on Elections (COMELEC) sa pag exempt sa social pension ng mga indigent na senior citizen mula sa election spending ban.
Giit niya, hindi naman maaaring maghintay ang mga lolo at lola na matapos ang eleksyon para makuha ang kanilang social pension.
Malaking bagay aniya ang exemption na ito, dahil may tiyak na panggastos ang mga senior citizen para sa kanilang gamot at pagkain.
Ipinagkakaloob ang P3,000 hanggang P4,000 na social pension sa mga indigent senior citizen kada tatlo o apat na buwan. | ulat ni Kathleen Forbes