Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa naiwang pamilya at malalapit sa buhay ng aktres na si Gloria Romero na isa sa mga haligi ng Philippine cinema.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakilala niya si Romero noong filming ng Iginuhit ng Tadhana.
Mula noon, naging taga-hanga na aniya siya ng talento at trabaho ng aktres.
“I was deeply saddened to hear of the passing of one of Philippine cinema’s great icons. I first met Gloria Romero on the set while filming Iginuhit ng Tadhana, and have been an admirer of her work as an actress ever since.” -Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulong Marcos, hindi lamang basta isang aktres si Romero, bagkus, isang mabuting indibidwal, at tiyak na hindi ito makakalimutan ng Philippine cinema at entertainment industry.
“She was always a great lady with the dignity of a true star. Not just a brilliant artist but a very fine person, the world of Filipino cinema and all of enertainment will never forget her.” -Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan