Naniniwala si Senate Committee on Economic Affairs Chairman Senador Juan Miguel Zubiri na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kapangyarihan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ay magkakaroon ng mas maraming investment at job opportunities sa bansa.
Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng kanyang sponsorship sa Senate Bill 2945 na layong amyendahan ang Freeport Area of Bataan Act (RA 11453).
Pinunto ng senador na mula nang magsimula ang operasyon ng AFAB noong 2010 ay tumaas sa 190 billion pesos ang investments sa Bataan Freeport at kasalukuyang nasa higit 40,000 na mga indibidwal na ang nabigyan ng trabaho.
Pero mula aniya ng maisabatas ang CREATE law ay bahagyang bumaba ang investor confidence kaya naman kailangang gawan ito ng hakbang .
Sa ilalim ng panukala, mas gagawin aniyang simple ang mga regulatory procedures at titiyakin ang madaling pagnenegosyo sa freeport.
Kabilang sa mga probisyon sa panukala ang pagtatatag ng opisina ng Securities and Exhange Commission (SEC) sa loob ng Bataan Freeport. | ulat ni Nimfa Asuncion
📷Makubex1985