Tinututulan ni Anakalusugan Party-List Representative Ray Reyes ang panukalang patawan ng moratorium ang paniningil ng SIN tax.
Giit niya, hindi lang ito basta makakaapekto sa kita ng pamahalaan ngunit banta sa kalusugan ng mga Pilipino.
Oras na lumusot ang moratorium o paghinto sa paniningil ng SIN tax, aabot sa P27 billion ang mawawalang kita sa susunod na limang taon na gagamitin sana sa pagpapatupad ng Universal Health Care, pagpapatayo ng health facilities at pag-hire ng medical staff.
Punto pa ng kinatawan, na batay sa pag-aaral malaki ang naitutulong ng SIN tax para mapigil ang paninigarilyo pati paggamit ng vape.
Kaya kung aalisin ang buwis ay asahan na aniya ang pagtaas sa bilang ng mga naninigarilyo.
“Data from the Department of Health reveals that despite the current tax rates, the number of smokers has increased. Halting tax hikes means lost revenue for the government and rising healthcare costs. Projected health costs are set to increase by 18% by 2025. Combined with this bil, which opens the door for 400,000 more smokers by 2030, sends a discouraging signal about the country’s commitment to improving quality of life,” paliwanag ng mambabatas
Batay sa House Bill 11270, sususpindihin ang 5% annual tax increase sa tobacco, heated tobacco, vapor products, cigars, at sigarilyo sa 2026.
Ipapatupad ito muli sa 2017 na mayroon nang 6% tax na ia-adjust kada dalawang taon. | ulat ni Kathleen Forbes