Nagsagawa ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) ng Home Free Global Crusade sa Quirino Grandstand ngayong Linggo.

Ayon kay 4th watch Global Evangelist Apostle Jonathan S. Ferriol, layon ng global crusade na may temang Rebirth Christ in Tour, na magbigay mensaheng spiritual sa ating mga kababayan na magbibigay ng pag-asa at kaligtasan sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
Dagdag pa ni Pastor Ferriol, ito na ang kauna-unahang hindi niya makakasama ang kanyang ama sa isang krusada, buhat ng namatay ito noong 2024.
Kung matatandaan, ito na ang ikalawang global crusade sa Quirino Grandstand kung saan nauna ito isagawa online. | ulat ni AJ Ignacio