Philippine Statistics Authority, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian na magpatupad ng proactive approach para sa mga hindi rehistradong Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Philippine Statistics Authority (PSA) na magpatibay ng isang proactive at community-based approach para matulungan ang mga indibidwal na hindi pa nakarehistro sa Civil Registry para makakuha sila ng kanilang birth certificates.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2914 na naglalayong baguhin ang Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) system ng bansa, para masugpo ang mga pekeng record-keeping kasunod ng pagkakatuklas ng pekeng birth registration ng mga dayuhang sangkot sa mga kriminal na aktibidad.

Minumungkahi ng senador ang pagtatalaga ng mga tauhan para tulungan ang mga indibidwal na wala ng birth certificate sa pagkumpleto ng mga requirements para sa late registration.

Ang programa ay isang pagtulong sa mga aplikante na matupad ang mga kinakailangang hakbang, kabilang na ang pagkuha ng pahayag mula sa isang midwife, o hilot na dumalo sa kanilang kapanganakan.

Kasabay nito, hinimok ni Gatchalian ang PSA na magkaroon ng balanse sa pagitan ng pagtulong sa mga hindi pa kasama sa civil registry at pagpigil sa mga kawatan na makakuha ng birth certificate sa pamamagitan ng pagsasamantala sa Late Registration Program, gaya ng ginawa ng Chinese national na si Guo Hua Ping, o kilala rin bilang Alice Guo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us