Nagkaroon ng pagkakataon si Speaker Martin Romualdez na makapulong si Sultan Ahmed bin Sulayem sa sidelines ng World Economic Forum 2025 sa Davos, Switzerland.
Siya ang chairperson at CEO ng multinational logistics company na DP World Group na nakabase sa Dubai.
Kilala ang naturang kumpanya sa cargo logistics, port terminal operations, maritime services at free trade zones.
Ayon kay Romualdez, pagkakaton ang WEF 2025 upang makaakit pa ng mga makakatuwang ang Pilipinas mula sa international business community upang mapalago pa ang ekonomiya ng bansa na mararamdaman ng bawat Pilipino.
Kasama si Romualdez sa Philippine delegation na dumalo sa World Economic Forum 2025 na magtatagal hanggang January 24. | ulat ni Kathleen Forbes