PNP, bubuo ng task force para sa mabilis na pagtugis sa mga aktibong pulis na sangkot sa 990 shabu raid noong 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang mga kinauukulang yunit nito na siguruhing maisisilbi ang warrant of arrest laban sa mga aktibong pulis na sangkot sa 990 kilos shabu raid noong 2022.

Ito ay makaraang maglabas ng kautusan ang Manila Regional Trial Court Branch 44, na nagpapaaresto sa 29 na inirereklamong pulis dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PNP Chief, walang kapatawaran ang ginawa ng mga sangkot na pulis dahil dinungisan nila ang pangalan at dignidad na kaniyang pilit na nililinis at itinatanghal sa publiko.

Pinamamadali rin ni Marbil sa Chief of Directorial Staff na si Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagbuo ng isang task force na tutugis sa mga ipinaaarestong pulis.

Una rito, sinabi ni PNP Spokesperson, Pollice Brigadier General Jean Fajardo na all accounted na ang 20 sa mga ipinaaaresto kung saan lima ay mula sa NCRPO; tig apat mula sa Regions 1, 2, CALABARZON; tatlo sa MIMAROPA; at isa sa Central Visayas.

Habang isa sa Civil Security Group, tatlo sa Headquarters Support Service, at isa sa Personnel Holding and Accounting Unit. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us