PNP Chief Marbil, dumistansya sa pahayag ni Pangulong Marcos na posibleng pagpapalawig ng kanyang termino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy lamang sa kaniyang trabaho si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinag-aaralan nito ang pagpapalawig sa kaniyang termino.

Sa pahayag ni Marbil sa PNP Press Corps sa Kampo Crame, sinabi nito na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapatupad ng seguridad upang tiyaking ligtas at mapayapa ang gagawing halalan.

Nabatid na nakatakdang magretiro sana si Marbil sa Pebrero 7 kasabay ng kanyang ika-56 na kaarawan na mandatory retirement age sa hanay ng pulisya.

Nitong weekend, binigyang pugay si Marbil ng kaniyang ‘alma mater’ na Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City bilang miyembro ng Sambisig Class of 1991. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us