Magpupulong ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Ito ay para palakasin ang kanilang ugnayan at pagpapalitan ng mahahalagang impormasyon hinggil sa pagkakahuli ng mga Chinese spy kasabwat ang ilang Pilipino.
Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief, Police Colonel Randulf Tuaño, gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) patuloy din nilang inaalam ang ugnayan ng mga Chinese spy na nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan, at ang kanilang naaresto noong Mayo 2024.
Gayunman, sinabi ni Tuaño, na bago pa man mahuli ang mga naturang espiya nagpapatupad na ng mga paghihigpit maging sa mga kampo ng pulisya, upang hindi makompromiso ang mga mayroong transaksyon sa mga tanggapan nito. | ulat ni Jaymark Dagala