Binigyan ng reward money ng Philippine National Police ang ilang impormante dahil sa pagkaaresto ng mga wanted criminal na pinaghahanap ng pulisya
Aabot sa P1.6 million ang ipinagkaloob sa walong assets na nagbigay ng mahahalagang impormasyon para madakip ang siyam (9) na most wanted persons na sangkot sa iba’t ibang karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, at homicide.
Sa isang pahayag, pinuri ni Chief PNP, Police General Rommel Francisco Marbil, ang kooperasyon ng mga impormante.
Aniya, ang reward program ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PNP na bumuo ng mas matibay na partnership sa pagitan ng pulisya at ng komunidad.
Hinihikayat pa ni General Marbil ang publiko na isuplong ang criminal activities na nalalaman at makipagtulungan sa pulisya para sa ligtas na kapaligiran para sa lahat. | ulat ni Rey Ferrer