PRA, top 1 sa 2023 Most Profitable Companies in the PH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakamit ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang isang napakalaking karangalan bilang no. 1 sa Top 20 Most Profitable Companies in the Philippines para sa taong 2023.

Ayon sa PRA, sa ilalim ng malinis na pamumuno, ang nasabing tagumpay ay bunga ng walang sawang dedikasyon ng PRA Board of Directors at Management, na patuloy na nagsusumikap para sa kahusayan at integridad, na naging huwaran ng government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Lubos naman ang pasasalamat ni PRA Chairperson Alex Lopez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa matalinong pamumuno at malinaw na layunin para sa Bagong Pilipinas.

Nagsilbi din umanong inspirasyon ang Pangulo sa PRA, para maglingkod ng tapat at maayos para sa kapakanan ng bawat Pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us