Handa na ang Philippine Red Cross para sa tradisyunal na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu bukas, Enero 19.
Ayon sa PRC, maglalatag sila ng mga first aid station sa mga lugar na ruta ng prusisyon.
Nagbigay na rin ng tips o paalala ang Red Cross sa mga dadalo para sa ligtas na selebrasyon.
Ilan dito ang tiyaking secure ang bahay bago umalis, iwasan ang pagsusuot ng mga alahas, pagdadala ng mamahaling electronic gadgets at matutulis na bagay.
Importante din na alamin ang tanggapan ng himpilan ng pulisya, pagamutan, pati na mga emergency contact numbers.
Pinapayuhan ang mga bata at matatanda na huwag nang dumalo sa prusisyon at manatili na lamang sa mga bahay
Ginaganap ang taunang selebrasyon tuwing ikatlong linggo ng Enero bilang parangal sa Mahal na Sto.Nino. | ulat ni Rey Ferrer