Photo courtesy of Bureau of Corrections
Department of Justice (DOJ), Bureau of Corrections (BuCor) at Correctional Institution for Women, lumagda ng Memorandum of Understanding kasama ang Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran or SPARK Philippines para sa Project Arts, Crafts, and E-Commerce o ‘Project ARTE’.
Ayon sa BuCor layon nito na mapalakas ang corrections system ng bansa habang tinitiyak ang seguridad at pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga babaeng PDL.
Sa ilalim ng naturang MOU, pag-iibayuhin ng mga lumagdang partido ang layunin ng Project Arts, Crafts, at E-Commerce (Project ARTE) na pagbutihin ang buhay ng mga PDL sa pamamagitan ng nationwide technology upskilling at income generation programs.
Sa nasabing kasunduan, ang DOJ ang nakatokang gumawa ng mga polisiya at roadmap sa pagpaplano ng implementasyon ng Project ARTE habang ang BuCor naman ang kikilos para sa pagtukoy ng correctional facilities na gagamitin, mga PDL na makakasali para sa initial launch ng Project ARTE at sa mga susunod pang aktibidad nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco