Resolusyon na kumikilala sa kontribusyon at legasiya ng aktres na si Gloria Romero, pinagtibay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na in-adopt ng Mababang Kapulungan ang House Resolution 2198, kasama ang House Resolutions 2196 at 2197, na kumikilala sa buhay, legasiya at kontribusyon ng namayapang aktres na si Gloria Romero.

Nakapaloob din sa resolusyon ang pakikidalamhati at pakikisimpatya ng Kamara sa naiwang pamilya, kaibigan at mga katrabaho ng pumanaw na film at television icon.

Tinukoy sa resolusyon ang maningning na karera sa showbiz ni Romero na tumagal ng anim na dekada, kung saan lumabas siya sa 250 na pelikula at palabas sa telebiyson.

Ito rin ang dahilan ng bansag sa kaniya na “First Lady of Philippine Cinema”.

January 25, 2025 sumakabilang buhay si Romero.

Bibigyan ng kopya ng pinagtibay na resolusyon ang kaniyang naiwang pamilya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us