Iminungkahing muli ni Senate Committee on Migrant Workers Senador Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) na isailalim rin sa masusing screening ang mga mag-eempleyo sa mga kababayan natin sa Kuwait.
Ito ay para maiwasan na aniya ang mga kaso ng pang-aabuso at pamamaslang sa OFW sa naturang bansa.
Sa pagdinig ng Senado kanina, kabilang sa inirerekomenda ni Tulfo ang pagkakaroon ng neuropsychological screening, pagbusisi sa criminal records at financial capability ng mga employer.
Sinang-ayunan naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pagkakaroon ng psychological screening at pre-employment briefing para sa mga employer.
Idinagdag rin ni Cacdac na kinokonsidera na rin nilang magkaroon ng accounting o personal na isa-isahin ang kalagayan ng mga kasambahay sa Kuwait. | ulat ni Nimfa Asuncion