Solar Pump Irrigation System, ginagamitan na ng AI ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy sa pagpapatupad ng inobasyon at pagpapasok ng makabagong teknolohiya ang Marcos Administration sa mga serbisyo nito para sa mga Pilipino.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen, na maging ang solar pump irrigation system ginagamitan na ng artificial intelligence.

“Alam ninyo ang design ng NIA, hindi siya ordinary. Kasi iyong ordinary design lamang, iyong nakuha namin noon sa Department of Agriculture is 120% watt-peak. Ibig sabihin po noon, aandar po iyong solar pump irrigation kapag mga 10AM; mga five hours a day lamang iyon. Sa NIA, 200% watt-peak. Ibig sabihin po noon, basta’t may araw, alas-sais pa lang ng umaga at may liwanag na, aandar na po siya – so, seven to eight hours siyang umaandar.” -Guillen

Sa pamamagitan aniya nito, namo-monitor ng pamahalaan ang mga sistemang ito kaya’t alam nila ang nangyayari sa mga solar pump irrigation system sa buuong Pilipinas.

Diretso na aniya sa mga database ang mga kinakailangang impormasyon, kabilang na ang cubic meters ng tubig na inilalabas sa isang araw.

“So, nakikita amin kaagad kung saan may problema and then, of course, iyong area na iyon, iyon lamang ang lalagyan ng fertilizers o kaya pesticides, herbicides; hindi buo. Iyon ang magandang naibibigay ng AI, at isa saka ang maganda doon, iyong system natin eventually, dahil nga may AI, sasabihin niya sa atin kung kailan ka dapat magtanim, anong buwan na maganda, anong variety.” -Guillen | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us