Pag-upgrade sa drainage system at pagsasaayos sa nasirang daan sa Bonifacio Drive-Northbound Manila, sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways – South Manila District Engineering Office ang pag-upgrade ng kasalukuyang drainage system sa Bonifacio Drive-Northbound nitong Biyernes, February 7, matapos maudlot ang orihinal na iskedyul na February 5. Ito ay para makatulong na maiwasan ang mga pagbaha. Kasabay nito gagawin sa loob ng 6 na buwan… Continue reading Pag-upgrade sa drainage system at pagsasaayos sa nasirang daan sa Bonifacio Drive-Northbound Manila, sinimulan na ng DPWH

House speaker Romualdez at ilan pang Kongresista, sasampahan ng kaso ng Citizen’s Crime Watch

Magsasampa ng kasong kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang Citizens Crime Watch laban kay House Speaker Martin Romualdez at ilan pang Kongresista. Ayon kay Diego Magpantay, Pangulo ng Citizen’s Crime Watch, kasong falsification of legislative documents ang isasampa sa kanila dahil sa umanoy insertion ng Php 241 Billion sa National Budget o General Appropriations… Continue reading House speaker Romualdez at ilan pang Kongresista, sasampahan ng kaso ng Citizen’s Crime Watch

Sunog sa Brgy. Baclaran, Parañaque mabilis naapula ng BFP

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog sa Opeña St. cor. Mactan St. Brgy. Baclaran, Parañaque City. Ang sunog ay naganap sa dikit-dikit na bahay sa tabi lamang ng Baclaran Church. Ayon sa BFP 9:36 AM nang magsimulang tupukin ng apoy ang mga bahay na gawa sa light materials. Makalipas ng 20 minuto dineklang kontralado… Continue reading Sunog sa Brgy. Baclaran, Parañaque mabilis naapula ng BFP

Kilabot na wanted na Indian national na sangkot sa terorrism, pinadeport ng gobyerno matapos mahuli ng Bureau of Immigration sa Bacolod City

Pinadeport na ng Gobyerno ng Pilipinas ang isang high-profile fugitive wanted na sangkot sa terorismo at iba’t ibang krimen sa India. Nahuli ng Bureau of Immigration’s (BI) Fugitive Search Unit (FSU) si Joginder Gyong sa Bacolod City at pansamantalang na detained sa Pilipinas para sa deportation. Ang suspek ay sangkot din sa pagpatay, extortion, kidnapping… Continue reading Kilabot na wanted na Indian national na sangkot sa terorrism, pinadeport ng gobyerno matapos mahuli ng Bureau of Immigration sa Bacolod City

DILG Sec. Remulla, hinikayat ang mga governor na bumili ng mga motorsiklo para sa local police

Hinikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga governor na bumili ng mga motorsiklo para sa kanilang lokal na pulisya. Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang emergency 911 system. Aniya, magagamit ang mga motorsiklo upang mapabilis ang pag-verify kung lehitimo ang mga insidente na iniulat sa emergency hotline.… Continue reading DILG Sec. Remulla, hinikayat ang mga governor na bumili ng mga motorsiklo para sa local police

Pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng shear line sa Albay, patuloy pa –DSWD

Pinaiigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang relief operations sa mga komunidad sa lalawigan ng Albay na apektado ng shear line. Mula Pebrero 6 hanggang 7 kahapon, nakapaghatid ang ahensya ng 2,638 Family Food Packs para sa 18 barangay sa munisipalidad ng Malilipot. Bukod dito, 228 FFPs pa ang ibinigay… Continue reading Pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng shear line sa Albay, patuloy pa –DSWD

Philippine Embassy sa Seoul, pinag-iingat ang mga Pilipino sa South Korea kasunod ng nararanasang matinding paglamig ng panahon

Kasabay ng patuloy na nararanasang malamig na panahon sa South Korea, pinayuhan ng Philippine Embassy sa Seoul ang mga Pilipino doon na mag-ingat. Base sa local weather report inaasahan ang mabilis na pagbaba ng temperatura, pag-ulan ng niyebe na may pag-ihip ng malakas na hangin na na makakaapekto sa ilang rehiyon, kabilang ang Seoul at… Continue reading Philippine Embassy sa Seoul, pinag-iingat ang mga Pilipino sa South Korea kasunod ng nararanasang matinding paglamig ng panahon

Coastal water ng Milagros sa Masbate, apektado na ng “toxic red tide” –BFAR  

Muli namang naapektuhan ng paralytic shellfish poison o toxic red tide ang coastal water ng Milagros sa Masbate. Ito’y batay sa pinakahuling pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga shellfish sa nabanggit na karagatan. Mahigpit nang ipinagbabawal sa publiko ang paghango at pagkain ng tahong, talaba, tulya, alamang at iba pang… Continue reading Coastal water ng Milagros sa Masbate, apektado na ng “toxic red tide” –BFAR  

Kontra Bigay committee, mas matatag kumpara sa dating task force

Ang Kontra Bigay ay itinatag para pigilan ang vote buying at vote selling sa panahon ng eleksyon. Ayon kay COMELEC Chairman Erwin George Garcia ang Kontra Bigay committee ay permanenteng hahabol sa mga violators kahit tapos na ang eleksyon habang ang dating task force ay umiiral lang sa panahon ng eleksyon. Ang Kontra Bigay committee… Continue reading Kontra Bigay committee, mas matatag kumpara sa dating task force

100 araw na paghahanda para sa ligtas at mapayapang #HatolNgBayan2025, siniguro ng PNP Chief

Matapos palawigin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang termino, tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang isang ligtas at mapayapang #HatolNgBayan2025. Sa isang pahayag, sinabi ni Marbil na puspusan ang ginagawa nilang paghahanda para siguruhin ang matagumpay na pagdaraos ng halalan Pursigido si Marbil na panatilihin ang katatagan ng… Continue reading 100 araw na paghahanda para sa ligtas at mapayapang #HatolNgBayan2025, siniguro ng PNP Chief