Party-list solon, kwinestyon kung bakit tanging mga miyembro ng Kamara ang kinasuhasn sa isyu ng 2025 budget

Kwinestyon ni 1Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang pagsama kay House Speaker Martin Romualdez sa kasong graft na isinampa kaugnay sa umano’y iregularidad sa 2025 national budget gayong hindi naman siya miyembro ng Bicameral Conference Committee. Ito ang reaksyon ng kongresista kasunod ng pagsasampa ng kaso nila dating Speaker at Davao Rep. Pantaleon Alvarez at… Continue reading Party-list solon, kwinestyon kung bakit tanging mga miyembro ng Kamara ang kinasuhasn sa isyu ng 2025 budget

Mga kandidatong gagamit ng Philippine flag sa campaign materials, binalaan ng NHCP

Nagbabala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga kandidato na gagamitin ang watawat ng Pilipinas bilang parte ng kanilang kampanya. Ginawa ang pahayag ngayong simula na ang kampanya para sa Midterm Election 2025. Ayon sa NHCP nakasaad sa batas sa ilalim ng R.A 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines… Continue reading Mga kandidatong gagamit ng Philippine flag sa campaign materials, binalaan ng NHCP

Sen. JV ejercito, pinahayag na malamig ang mga senador sa mungkahing magsagawa ng special session

Binahagi ni Senador JV Ejercito na tila malamig ang mga senador sa mungkahi na magkaroon ng special session para matalakay ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Pinaliwanag ni Ejercito na kalahati kasi sa mga kapwa niya senador ay abala na sa pangangampanya. Hindi aniya masisisi ang mga ito dahil ang kanilang political… Continue reading Sen. JV ejercito, pinahayag na malamig ang mga senador sa mungkahing magsagawa ng special session

Sen. JV Ejercito, balak kumuha ng legal luminary bilang paghahanda sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte

Bilang bahagi ng paghahanda sa gagawing impeachment trial ng Senado laban kay Vice President Sara Duterte, ikinokonsidera ni Senador JV Ejercito na kumuha ng isang retired judge o legal luminary upang gumabay sa kanya. Ayon kay Ejercito, unang beses niyang uupo bilang impeachment judge kaya, bagama’t mayroon na siyang legal team, pinag-iisipan pa niyang kumuha… Continue reading Sen. JV Ejercito, balak kumuha ng legal luminary bilang paghahanda sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte

Cambodian investors, hinikayat ni Pangulong Marcos na mamuhunan sa Pilipinas

Bukas ang Pilipinas sa pagnenegosyo at malugod itong tumatanggap ng pamumuhunan. “To our friends from Cambodia, I wish to reiterate that the Philippines is open for business, and we welcome the opportunity to partner and achieve greater commercial successes with you,” —Pangulong Marcos. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng… Continue reading Cambodian investors, hinikayat ni Pangulong Marcos na mamuhunan sa Pilipinas

DSWD, nagbigay ng agarang tulong sa pamilyang naapektuhan ng landslide sa Bicol Region

Hinatiran ng agarang tulong ang isang pamilya sa Legazpi City, Albay na naapektuhan ng landslide dulot ng shear line. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), binigyan ng family food packs ang pamilya na binubuo ng apat na katao at pansamantalang nanunuluyan sa kalapit na kamag-anak. Batay sa ulat, bahagyang natabunan ng landslide… Continue reading DSWD, nagbigay ng agarang tulong sa pamilyang naapektuhan ng landslide sa Bicol Region

DOJ, kinumpirmang kulang ang nakakarating na sumbong sa sexual abuse ng mga bata

Aminado si Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na hamon sa bansa ang tinatawag na under reporting sa child abuse o kakulangan ng ulat sa mga kasong pang aabusong sekswal sa mga bata. Kasabay ng pagdiriwang ng Safer Internet Day 2025 ngayong araw, sinabi ni Ty na malaki ang problema sa pang-aabuso sa bata dahil takot… Continue reading DOJ, kinumpirmang kulang ang nakakarating na sumbong sa sexual abuse ng mga bata

Sen. Koko Pimentel iginiit ang agarang pagsisimula ng impeachment trial ni VP Sara Duterte

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi na maituturing na “forthwith” o agaran ang aksyon ng Senado sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang naging tugon ng senador sa pahayag ni Senate President Chiz Escudero na sa Hulyo pa, matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong… Continue reading Sen. Koko Pimentel iginiit ang agarang pagsisimula ng impeachment trial ni VP Sara Duterte

AI platforms, malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa –Sen. Sherwin Gatchalian

Nagbigay suporta si Senador Sherwin Gatchalian sa desisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na huwag i-ban ang paggamit ng Deepseek at iba pang AI (Artificial Intelligence) chatbots sa bansa. Ayon kay Gatchalian, malaki ang magiging benepisyo ng bansa mula sa AI, lalo na sa pagpapalakas ng ekonomiya at paglikha ng mas maraming… Continue reading AI platforms, malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa –Sen. Sherwin Gatchalian

Mas marami at mas madalas na military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia, isinusulong ni Pangulong Marcos

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos jr. na magkakaroon pa ng mas madalas na military training ang Philippine Army at Royal Army ng Cambodia. Sa bilateral meeting sa Malacañang, kasama si Prime Minister Hun Manet, sinabi ng pangulo na nalulugod siya sa defense at security cooperation ng dalawang bansa. Partikular na dito ang high level engagements noong isang… Continue reading Mas marami at mas madalas na military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia, isinusulong ni Pangulong Marcos