38 na mga lugar sa Mindanao, nasa Area of Concern ng COMELEC at PNP sa pagsisimula ng kampanya ngayong araw 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilagay na ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang Area of Concern ang 38 lugar sa Mindanao ngayong nagsimula na ang unang araw ng kampanya. 

Sa Meet the Press ng National Press Club, sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia ang mga lugar na ito ang kanilang binabantayan dahil sa mainit na tunggalian sa politika. 

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay ilalagay na sa COMELEC control ang naturang mga lugar dahil hindi pa naman nagsisimula ang local campaign. 

Sinabi naman ni Police Major General Roderick Alva, Director ng Police Community Relations ng PNP, naka-focus na sila sa mga lugar na nasa ilalim ng Area of Concern. 

Tinututukan na rin ng PNP ang isang armed group sa Region 1 na una nang nalansag nila noong February 7.

Samantala, nasa mahigit 1,800 na mga pulis ang inilipat na ng kanilang assignment dahil may mga kamag-anak na kandidato.   | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us