Sinabi ni Makati Mayor at senatorial candidate Abby Binay na “hindi pa napapanahon” at “hindi makatarungan” para sa mga kandidato na agad magbigay ng opinyon tungkol sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam kay Binay sa Ilocos Norte, tinanong siya ng media tungkol sa kanyang opinyon sa impeachment case.
Aniya, hindi pa niya nakikita o nababasa ang articles of impeachment.
Kaya aniya, napakaaga at hindi makatarungan na magbigay siya ng posisyon sa impeachment sa ngayon.
Binigyang-diin din ni Binay na ang mga senador ay magsisilbing hukom sa impeachment trial at kailangang maging patas sa kanilang paghatol. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes