Alyansa,’ kumpiyansa sa suporta ng mga taga-Mindanao, kasunod ng matagumpay na campaign kickoff sa balwarte ng mga Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nagpatinag ang senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kahit pa ang kanilang pangangampaya sa Mindanao ay sa mismong balwarte ng mga Duterte.

Naniniwala ang mga ‘Alyansa’ candidates na mas pipiliin ng mga botante mula sa Mindanao ang pagiging subok at may kakayahan, kumpara sa “political loyalty.”

Si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, naniniwala na malaki ang tsansa ng kanilang koalisyon sa Mindanao.

“Ako, tingin ko sa ‘Alyansa,’ maganda ang chances. Maganda ang chances dito sa Mindanao. I am not saying we will win or all of us will win, but I’m saying lahat kami malaki ang chances namin sa Mindanao, taken Mindanao as a whole,” sabi ni Sotto.

Sinabi pa niya, mayroon lang bigat ang “balwarte” kung one-on-one ang labanan. Ngunit para sa senatorial race kung saan may 12 kandidato, kakailanganin lang aniya ng 35% ng kabuuang boto para makapasok sa Top 12.

Hindi naman naniniwala si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, na nagmula mismo sa Davao, na kontrolado ng Duterte political dynasty ang rehiyon.

Hirit pa niya, hindi naman sila mapapahiya sa “Alyansa” dahil lahat naman sila ay nakapagtrabaho at may nai-ambag na kahit noong panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi pa ni Tulfo, dapat pumili ang mga botante base sa kakayahan at hindi lamang sa political branding.

“Hindi po ako mahihiyang sabihin na lahat naman ng kandidato rito sa Alyansa ay competent. Hindi po masasayang ang boto ninyo. It’s not only because they are kilala. It’s not only because they are sikat. Pakiusap ko lamang po sa mga taga-Davao, the whole of Mindanao, you vote for the performance, hindi po dahil sa apelyido, hindi po dahil sa pangalan,” diin ni Tulfo.

Maging si dating Senador Manny Pacquiao, naniniwalang hindi sila mahihirapang makakuha ng mga boto sa Mindanao dahil ang kanila aniyang adhikain at programa ay para sa kabutihan ng sambayang Pilipino.

Matapos ang Mindanao, Visayas, at Luzon leg ng kampanya ay susundan ito ng Metro Manila campaign kickoff na gaganapin sa Pasay City sa Martes February 18. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us