Kinumpirma ng United States INDO-PACIFIC Command (INDOPACOM) na kinontrata nila ang bumagsak na eroplano sa Maguindanao del Sur kahapon.
Sa ipinadalang pahayag ng PENTAGON sa Kampo Aguinaldo, sinabi ng US INDOPACOM na magsasagawa sana ng kanilang Intelligence, Surveillance at Reconnaissance support ang Beechcraft King Air 300 na patungong Cotabato City mula sa Cebu.
Nabatid na isang US Military serviceman at tatlong Defense Contractor ang sakay ng bumagsak na eroplano, na sinawing palad sa naturang insidente.
Bukod sa kumpirmasyon, wala nang idinagdag na detalye ang Amerika sa insidente lalo’t nagpapatuloy ang imbestigasyon dito. | ulat ni Jaymark Dagala