Nasa 10 importer ng gulay at isda ang kabilang sa blacklist ng Department of Agriculture (DA), dahil sa pagkakasangkot sa mga illegal trade activity.
Pahayag ito ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, kasunod ng paghahain ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng reklamo laban sa isang importer na umano’y mayroong kinalaman sa vegetable smuggling.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na nasa 16 ang importer ang nasa kanilang listahan.
10 ang pasok sa blacklist.
Apat dito ay nakasuhan na, habang ang anim na iba pa, susunod na rin aniya, at iniisa -isa na ng gobyerno.
“Ang actual blacklisted is ten ngayon. But, ang list namin is actually 16. So, iniisa-isa na iyan. But confirmed na blacklist as of today is four, then there’s six more to follow.” -Tiu.| ulat ni Racquel Bayan