Apat na sasakyan na sangkot sa rent-tangay scheme, narekober ng HPG sa iba’t ibang lugar sa Calabarzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na narekober ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang apat na sasakyang sangkot sa modus na “Rent-Tangay.”

Ayon kay HPG Director PBGen Eleazar Mata, natunton, at narekober ang mga sasakyan sa Batangas City, Tagaytay City, Cavite, at Angono, Rizal.

Kumpirmadong tinukoy ng mga nagreklamo ang kanilang mga sasakyan, habang ipinaalam naman sa kasalukuyang may-ari ang ilegal na estado ng mga ito.

Bilang pagsunod sa tamang proseso ng impoundment, napagkasunduan ng dating at bagong may-ari na pansamantalang ilagak ang mga sasakyan sa Regional Holding Police Unit 4A habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us