Dahil sa pagdami ng gumagamit ng recreational drones sa Pilipinas, nais ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na paigtingin ang drone regulations sa bansa.
Ayon kay CAAP Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo, layon ng kanilang pagpapaigting na mas makontrol ang paggamit ng drones, lalo na sa mga paliparan.
Dagdag pa ni Tamayo, makikipagtulungan sila sa Philippine National Police (PNP) at Department of Trade and Industry (DTI) upang bumuo ng mga kinakailangang polisiya para sa mas maayos na regulasyon ng paggamit ng drones.
Sa huli, muling siniguro ng CAAP na ang tanging hangad ng kanilang tanggapan ay ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na paglalakbay ng mga sasakyang panghimpapawid. | ulat ni AJ Ignacio